Matagumpay na idinaos ang “Information and Service Caravan on Child Labor Prevention and Elimination”, na inorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ginanap sa Balai Mindoro, Bayanan I, Calapan City, Oriental Mindoro, nitong ika-20 ng Pebrero 2025.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan nina DOLE MIMAROPA Regional Director, Naomi Lyn C. Abellana, DOLE MIMAROPA Assistant Regional Director, Nicanor V. Bon, at DOLE MIMAROPA OIC-TSSD Chief, Loreta Dueñas-Catapang, gayundin ng iba pang mga mahahalagang panauhin.
Binigyang daan din dito ang oryentasyon kaugnay sa Republic Act 9231 at Signing of Pledge of Commitment, kung saan nakiisa rito ang mga miyembro ng RCACL, mga kinatawan mula sa CHR, CSC, PCW, PHRCS, Local Government Units, at iba pang mga Stakeholder.
Layunin nitong mapalaganap ang kaalaman tungkol sa mga batas at programa laban sa child labor, magbigay ng serbisyong may kaugnayan sa proteksyon ng mga batang manggagawa, at hikayatin ang komunidad na makiisa sa pagsugpo at pag-aalis ng child labor.
Source: Tatak Calapeño