Ipinagkaloob ang 100 na bagong armchairs ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa Batino Elementary School sa Lungsod ng Calapan, nitong ika-27 ng Enero 2025.
Nakiisa at naging bahagi ng naturang aktibidad ang mga Public Schools District Supervisors na sina Mr. Nicanor E. Alcañices, Dr. Eva B. Valenton, at Ms. Ma. Teresa C. Delos Reyes, gayundin si Ms. Rosalie Dijocos Quitain, Principal I ng Batino ES.
Ito ay bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga Calapeñong mag-aaral, upang mas higit na maging epektibo ang pagtamo ng edukasyon ng bawat isa sa loob ng silid-aralan, kaya naman ang pagbibigay ng ganitong uri ng kagamitan sa mga paaralan ay isang malaking tulong para sa pagkamit ng maayos, komportable at positibong lugar para sap ag-aaral.
Source: Tatak Calapeño