Matagumpay na isinagawa ng Turnover Ceremony ang 3-Storey na Multi-Purpose Building na may Roof Deck na pinangunahan ng Alkalde ng Lungsod nitong Disyembre 9, 2024 sa Bonuan Boquig, Dagupan City.
Ang proyektong ito ay magbibigay ng malaking tulong at benepisyo sa mga residente ng Bonuan Boquig at mga kalapit na barangay.
Ipinaabot ang taos-pusong pasasalamat kay dating Senador Sonny Angara, na ngayon ay Kalihim ng Edukasyon, sa kanyang suporta sa proyektong ito. Gayundin, pinasalamatan si Atty. Ope Reyna na siyang tumulong upang maisakatuparan ang kahilingang ito.
Pinuri rin ang Bonuan Boquig Barangay Council, sa pangunguna ni Kapitan Joseph Maramba, gayundin ang DPWH at masisipag na empleyado ng lokal na pamahalaan na naging katuwang sa pagtatayo ng makabuluhang gusaling ito.
Ang nasabing multi-purpose building ay magiging venue para sa iba’t ibang okasyon at aktibidad ng komunidad. Bukod dito, magsisilbi rin itong evacuation center para sa mga residente ng One Bonuan tuwing panahon ng sakuna o kalamidad.