Kasalukuyang nasa Puerto Princesa ang mga ministro at mga Telecom head ng bansang Cambodia, South Korea, Malaysia, Kazakhstan at Ethiopia, para sa dalawang araw na Workshop ng Government Digitization Cooperation na ginaganap sa Princesa Garden Island Resort nito lamang ika-9-10 ng Disyembre 2024.
Dumalo sa okasyon sina Usec. David Almirol ng eGovernment, OIC Asec. Warner Andrada ng DOT, DTI Asec. Leonila Baluyot at DICT MIMAROPA Dir. Emmylou Delfin.
Kanya-kanyang presentation ang mga kinatawan ng mga bansang nabanggit, kung paano nila na-implement ang e-govt operations, paggamit ng AI Technology, at kung paano ito nakakatulong sa kanilang pamahalaan, at anu ang pwedeng matutunan dito ng Pilipinas.
Source: The Palawan Times