Nagkamit ng siyam na medalya ang Philippine Swimming Team na lumahok sa katatapos lang na 23rd Royal Bangkok Sports Club Swim Meet o H.R.H Princess Maha Chakri Sirindhorns Cup sa Thailand nito lamang ika-30 ng Nobyembre at ika-1 ng Disyembre 2024.

Ang kumatawan sa bansa ay nagmula sa Palawan, mula sa Begin to Swim Swimming Team ni Coach Tinii Banzuela-Cayetano, maliban sa Pilipinas lumahok din dito ang bansang Thailand, Singapore, Hongkong at China.

Sa siyam na medalya, 2 dito ay Gold, 2 silver, at 4 Bronze, habang tinanghal na Most Outstanding swimmer for Boys 6 &under category si Alonzo dela Rosa, ang iba pang bumubuo ng Team ay sina Sabina Isabelle Ragas (7y/o), Sophia Ellyza Morta (8y/o), Jaci Francine Binuya (8y/o), Hardy Claven Morta (11y/o) at Eithan Drake Del Moro-Jaurigue (13y/o).

Ang tagumpay na ito ay tanda lamang na ang mga Pilipino ay mahusay sa kahit larangan ng isports.

Source: The Palawan Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *