Wagi ang mga Senior Citizens at PWDs sa Lungsod ng Tanauan dahil sa ipinamahaging maagang Christmas Cash Gift ng pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes nito lamang ika-1 ng Disyembre 2025.

Kasama sa pamamahagi sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. King Collantes katuwang ang OSCA Tanauan, Pdao Tanauan at City Treasury Office.

Layunin nito na mas mapalawak ang paghahatid ng benepisyo at pangangailangan ng mga kababayan lalo na sa sektor ng Senior Citizens at PWDs.

Source: Tanauan CGTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *