Pormal na naisagawa ang Provincial Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Awarding Ceremony sa Queen Margarette Hotel, Lucena City noong ika-26 ng Nobyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Planning and Development Coordinator (PPDC) at Department of Trade and Industry (DTI) at dinaluhan ni Governador Helen Tan.
Ayon naman kay PPDC Engr. Russell Narte, malaki ang naitutulong ng pagtaas ng ranking at pagiging competitive ng mga LGU upang dumami ang investors sa lalawigan ng Quezon.
Malugod namang ginawaran ng parangal ang mga bayan na nagpakita ng mataas na ranking competitiveness sa iba’t ibang kategorya gaya na lamang ng Quezon, Dolores, at Candelaria na kinilala bilang Top 1 Overall Most Competitive LGUs.
Binigyang pugay ni butihing Governor Helen Tan ang bawat Local Government Unit (LGU) sa patuloy na magandang performance para sa pagtaas at pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan.
Source: Provincial Government of Quezon