Pormal nang inilunsad ni Mayor Sonny Perez Collantes ang Corporate Social Responsibility bilang magandang ugnayan ng Pamahalaang Lungsod at mga pribadong kumpanya noong ika-25 ng Nobyembre 2024.

Matagumpay din na nakapag-abot ng libreng Hygiene Kit Set ang Union Auto parts Manufacturing (UAM) Philippines INC., para sa mga kababayang naninirahan sa tabing ilog sa bahagi ng Barangay Poblacion 3.

Ang CSR ay katuwang ng mga programang aagapay at kakalinga sa bawat pamilyang Tanaueño.

Isang pamamaraan na nais makatulong sa mga mamamayan na makapagbigay ng mga pangunahing pangangailangan at upang maipadama na patuloy ang pagbaba ng iba’t ibang mga programa para sa kanila.

Source: Tanauan CGTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *