Bumisista ang delegasyon ng Lungsod ng Calapan (athletes & coaches) na determinadong sasabak sa “Batang Pinoy National Championships 2024” sa opisina ni City Mayor Marilou Flores-Morillo sa Calapan City Hall nito lamang ika-11 ng Nobyembre 2024.

Sasabak ang mga naturang atleta sa nalalapit na kompetisyon sa gabay at pangangalaga nina CYSDD Officer, Mr. Marvin L. Panahon (Designated Head of Delegation) at Mr. Medonito Magaling (Designated Deputy Head of Delegation). Ang kompetisyon ay magaganap ngayong darating na ika-23-28 ng Nobyembre sa Puerto Princesa, Palawan.

Pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang mga nasabing kabataang manlalaro ng uniforms, IDs, at transportation & meal allowances, kung saan kabilang sa mga events na kanilang sasalihan ay ang Arnis, Athletics, Badminton, Chess, Cycling, Taekwondo, at Table Tennis.

Samantala, naniniwala naman si Mayor Malou Morillo at ang Team TAMA sa kakayahan ng bawat isa sa kanila na mapagtatagumpayan nila ang kani-kanilang laban bitbit ang nag-aalab na determinasyon, disiplina at kahusayan sa pagkamit ng pagkapanalo

Source: Tatak Calapeño

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *