Masaya at masiglang tinanggap ng mga kabataang Tanaueño na nag-aaral sa Child Development Learners ang Learning Books na ipinamahagi ng City Social Welfare and Development nito lamang ika-11 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang pagbibigay ng mga nasabing aklat para sa 48 na Barangay sa Lungsod ng Tanauan.
Samantala, kabilang din sa nagpaabot ng suporta sa naturang aktibidad sina 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes, dating City Administrator Mr. Wilfredo Ablao at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na kabahagi sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Lungsod.
Ang mga Learning Materials ay naglalaman ng Children’s Activity Sheets para sa kanilang mga pangunahing asignatura katulad ng Math, Science, English, Writing at marami pa upang mapabuti ang kanilang mga isinasagawang mga activities sa klase.
Layunin ng programa na tulungan at mapagaan ang gastusin ng mga magulang para sa pag-aaral ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng learning materials at bilang paghahanda na rin sa magandang bukas at maunlad na Lungsod ng Tanauan.
Source: Tanauan CGTV