Matagumpay na naisakatuparan ang Awarding Ceremony ng ika-11 Anibersaryo ng YES (Ynares Eco System) na may temang “MALINIS, LUNTIAN, AT LIGTAS NA KAPALIGIRAN” na ginanap sa Ynares Event Center, Antipolo, Rizal noong ika-26 ng Setyembre 2024.

Ang seremonya ay dinaluhan ng mga Mayor, Vice Mayor at mga opisyales ng barangay sa buong lalawigan ng Rizal kabilang sa mga ito sina Mayor Jeri Mae Calderon, Vice Mayor Gerry Calderon, Konsehal Elena Ibanez, Konsehal Doc Doc Villamayor, at mga kapitan ng bawat barangay sa Angono.

Iginawad ang Lupong Tagapamayapa Incentives Awards sa Barangay San Isidro, Barangay Community Garden na nagwagi sa Open Field Garden category at Model Functional Barangay MRFs.

Binigyan din ng natatanging pagkilala ang Barangay San Roque para sa pagkamit ng Seal of Good Local Governance for Barangay, isang prestihiyosong parangal na kumikilala sa kanilang kahusayan sa pamamahala at pagseserbisyo sa komunidad.

Matapos ang awarding, pormal nang isinagawa ang pag-iilaw ng YES Recycled Christmas Tree sa pangunguna ni Gov. Nina Ynares, na nagsilbing simbolo ng pagsisikap ng lalawigan tungo sa isang malinis at luntiang kapaligiran.

Source: Angono PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *