Matagumpay na naisakatuparan ang pagdiriwang ng Family Day Celebration ng Bahay Pag-asa ng Batangan na bahagi ng programa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) noong ika-10 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay may temang “Pamilyang Tumutugon sa Pagbabago ng Panahon” na ginanap sa Provincial Sports Complex, Bolbok Batangas City kasama ang pamilya ng mga kliyente ng nasabing institusyon.

Nagkaroon ng “Recollection Activity” na nagsulong na magkaroon ng motibasyon at lakas ng loob sa pagbangon muli sa buhay.

Nagbigay mensahe naman ang pinuno ng PSWDO na si Ginang Florita Lachica, na nanguna sa naturang aktibidad kasama sina PSWDO Assistant Department Head Adelia Macaraig.

Ito ay naglalayong palakasin ang ugnayan at suporta sa pagitan ng mga residente at kanilang pamilya, pati na rin ang komunidad.

Source: Batangas PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *