Pormal nang sinimulan ang ika-20 exhibit ng “Pintor Kulapol; Tatlong Dekada” na ginanap sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) Lobby sa Kapitolyo ng Batangas noong ika-9 ng Setyembre, 2024.



Tampok sa naturang aktibidad ang mga obra ng Pintor Kulapol Tuy, Batangas Artist Group Inc., na binubuo nina Emmanuel Afable, Ana Marie Afable, Nante Carandang, Fernando Afable, Randy Macalindong, Antonio Afable Jr., Tonette Andino, Felisa Carandang, Aron Carandang, Ana Belle Afable, Coring Afable, Pilar Adrias, Emmanuel Mendoza, Jowilson Panganiban, ML Arandia, Adriel Dela Vega, Dawson at Vic Almanzor.
Matagumpay namang naisagawa ang seremonya ng “Pagbubuklod” na aktibong nilahukan nina Vice Governor Mark Leviste at 1st District Board Member Armie Bausas.
Ito ay sumasalamin sa pangunahing vision ng grupo na ipagpatuloy ang pagiging isang Pintor Kulapol at ang ibayong pagbubuklod ng lahat ng mga grupo sa sining biswal sa lalawigan ng Batangas, kung saan nagtali ng makukulay na laso ang mga nagsipagdalo.
Ang aktibidad ay naglalayong maipakita at maipagmalaki ang sariling likha ayon sa sining, kultura at tradisyon ng bansa.
Source: Batangas PIO