Matagumpay na naipamahagi ang agricultural support na nagkakahalaga ng mahigit Php170 milyon, na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa mga magsasaka at mangingisda sa CALABARZON.

Sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families (PAFFF) program ng administrasyon, nakatanggap ng cash assistance ang mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng El Niño.

Ilan sa mga ipinamahaging tulong ng Pangulo at ng Department of Agriculture ay mga farm machineries, equipment, fiber boats, seeds, fishing cages, at iba pa na bahagi ng DA Rice Program, Corn Program, High Value Crops Development Program, National Urban and Peri-Urban Agriculture Program, Livestock Program at Organic Agriculture Program.

Ayon kay PBBM, makakaasa ang mga magsasaka at mangingisda na patuloy sa pag-alalay ang gobyerno sa kanila upang makamit ang mas maunlad at progresibong Bagong Pilipinas.
Source: PIA CALABARZON