Malugod na nakiisa ang mga blood donors ng Bayan ng Calatagan, Batangas sa isinagawang Blood Olympics 2024, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Blood Donors’ Month ngayong buwan ng Hulyo.

Mahigit 300 na mga Blood Olympians ang tumungo sa Calatagan Market Covered Court sa nasabing bayan upang sumailalim sa medical screening para makapagbigay ng kanilang alay na dugo.

Ang aktibidad ay ang tinaguriang ika-20 edisyon ng pagdiriwang ng National Blood Donors Month ngayong 2024, na may temang “Dalawang Dekadang Bayanihan na sa Dugo ni Juan at Juana: Salamat Blood Donors.”

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ay nakiisa sa aktibidad kasama ang Provincial Health Office, sa ilalim ng health program ni Governor DoDo Mandanas, katuwang din ang Batangas Provincial Blood Council, ABS-CBN Sagip Kapamilya Foundation, Batangas Medical Center, Regional Voluntary Blood Services Program ng DOH IV-A , Philippine Red Cross, at Pamahalaang Bayan ng Calatagan, sa pangunguna nina Mayor Oliver Palacios at Municipal Health Officer, Dr. Robert John Turno.

Layunin ng programa na pag-ibayuhin pa ang bolunterismo sa pag-aalay ng dugo sa buong bansa.

Source: BATANGAS PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *