Magandang balita para sa mga residente ng Tanauan City, Batangas ang pagpapasinaya ng 64-megawatt Solar Power Plant na tinuturing na magbibigay ng oportunidad na mag-aalok ng hanapbuhay sa mga Tanaueños.

Hindi lamang magandang oportunidad na maghahandog ng trabaho dahil ito rin ay magbibigay sa mga mamamayan ng mas magandang kinabukasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malinis na klima at pagpapalakas ng suplay ng kuryente sa rehiyon.
Ayon pa kay Department of Energy Undersecretary Rowena Cristina Guevarra na ang solar power plant ay nagmamarka ng isang makabuluhang milestone sa paglipat ng bansa tungo sa malinis na enerhiya.

Layunin ng programa na makapagbigay ng livelihood fund, magbibigay kita sa mga residente sa pamamagitan ng solar power plant at gawing isang “green city” ang Tanauan.
Source: PIA CALABARZON