Masayang ipinagdiwang ng centenarian na si Lola Maximina Hernandez Aguilar, mula Barangay Tinago, Naga City ang kanyang ika-100 taong kaarawan nito matapos na makatanggap ng Php100,000 cash incentives mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at karagdagang Php100,000 mula naman sa LGU Naga alinsunod sa Ordinance No. 2017-052 o ang City Centenarians Incentive Ordinance.

Ang nasabing cash gift na natanggap ni Lola Maximina ay alinsunod sa Republic Act No. 10868 o ang Centenarian Act of 2016 na nagbibigay ng pagkilala at respeto sa mga senior citizens na nakaabot ng 100 taong gulang at higit pa.

Source: Ako Bicol Online TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *