Matagumpay na isinagawa kamakailan ang Ako Bicol Tarabangan Caravan: Medical, Dental Mission at Local Recruitment Activity sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.
Nasa 500 benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal at gamot mula sa Tanchuling General Hospital, Inc.
Bukod sa serbisyong medical ay nagkaroon din ng libreng gupit, massage at nail care para sa mga dumalo.
Personal mismong nagtungo si Ako Bicol Congressman Jil Bongalon sa Tarabangan Caravan upang saksihan ang aktibidad kasama si Lagonoy Acting Mayor Jerry Jake Remoto, na taos-pusong nagpapasalamat sa partido dahil malaking tulong ang programang ito sa kanilang kababayan.
Nagpamalas din ng magic tricks si Aurelius dā Magician habang may performances ding hatid ang mga dating contestant ng Orogmahan Karantahan Asin Tarabangan Season 9.
Nagkaroon din ng demo training sa Solar Installation, Puto ā Cheese Making at Party Wines na hatid ng TESDA.
Namahagi ng libreng sabon handog ng Clean the World at Children International Philippines Inc. at libreng tinapay mula sa Gardenia Bakeries Philippines Inc.
Kasama rin sa aktibidad ang Sunwest Care Inc para sa mga kababayan natin na naghahanap ng trabaho.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang Department of Agrarian Reform (DAR) para sagutin ang mga katanungan patungkol sa agraryo, Philippine Statistics Authority (PSA) naman para sa pagsasagawa ng National ID at registry document request at ang PhilHealth ay tinalakay ang Konsulta Package.
Nagpapasalamat ang Ako Bicol PartyList sa mga partners/stakeholders tulad ng BeybiKo, Rhodessian, Unisoft, Kabarro, Kokola, Megasoft, Super Cow, Oxford, Freeda Napkin, Moringa Vita, Taichi, Keiko at Ako Bicol Tabang Ora Mismo ni Cong Zaldy Co. Maging kay Lagonoy Acting Mayor Remoto para sa mainit na pagtanggap.
Source: Ako Bicol Partylist