Tatlong makabuluhang araw ang pagdiriwang ng Turumba Festival sa bayan ng Pakil, Laguna na sinimulan nitong ika-8 ng Abril 2024.

Ang pagdiriwang na ito ay para parangalan ang Mahal na Birhen ng Turumba at gunitain ang pitong kalungkutan ng Mahal na Birheng Maria.

Tampok dito ang mayamang turismo, kasaysayan, kultura, sining at mga talentong ibinida ng mga Pakileño tulad ng Barangay Bahay-Ku-Booth, Fur-tastic Costume Fun Run at Street Dancing Presentation.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong ipakita ang debosyon at pasasalamat sa Mahal na Birhen ng Turumba, pananampalataya at pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng komunidad.

Source: Laguna PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *