Unang araw pa lamang ng buwan ng Abril ay nagsagawa na ng Local Recruitment ang Provincial Employment and Services Office (PESO) katuwang ang Alfamart Trading Philippines.

Hangad ng nasabing programa na mailapit ang oportunidad sa bawat mamamayan ng Quezon upang sila’y magkaroon ng trabaho.

Sa tinatayang 105 na nagbakasakaling makakuha ng posisyon sa Alfamart Trading Philippines, labing dalawa (12) sa mga ito ang pinalad.

Ayon sa pamahalaan ng nasabing lalawigan, para sa iba pang impormasyon ukol sa mga susunod na isasagawang Local Recruitment Activity ay magtungo lamang sa Official Facebook Page ng PESO ng lalawigan ng Quezon.

Ang matagumpay na programang ito ay patunay lamang sa walang patid na serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang maisakatuparan ang iisang mithiin na Bagong Pilipinas.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *