Matagumpay ang paglulunsad nang sama-samang protesta ng mga residente ng Sablayan, Occidental Mindoro laban sa mga miyembro ng teroristang grupo na CPP-NPA-NDF na ginanap sa Municipal Town Plaza, Barangay Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro nito lamang Miyerkules, Marso 27, 2024.

Ang naturang gawain ay pinangunahan ng 68 IB Philippine Army at nilahukan ng humigit 100 residente ng nasabing Barangay.

Ito ay bilang pagkondena sa mga teroristang gawain ng naturang grupo sa probinsya ng Occidental Mindoro at upang kondenahin ang anibersaryo ng CPP-NPA-NDF.

Ang nasabing rally ay nagpapakita ng hindi natitinag na determinasyon ng ating komunidad na itaguyod ang kapayapaan at tanggihan ang mga teroristang gawain ng CPP-NPA-NDF.

Source: Occidental Mindoro Police Provincial Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *