Ang Peñafrancia Festival ay itinuturing na pinakamalaking pagdiriwang ng relihiyon bilang pag-alala sa Mahal na Birheng Maria sa Asya. Ito ay isang buwang pagdiriwang at  taunang ginaganap bilang paggunita sa Our Lady of Peñafrancia Nuestra Señora de Peñafrancia sa Lungsod ng Naga City, Camarines Sur.

Tuwing ikatlong linggo ng Setyembre, ay idinedeklara bilang isang special non-working holiday sa lungsod ng Naga City ang Proclamation No. 654 na inaprubahan noong Setyembre 25, 2013.

Noong Agosto 26, 1882, ipinadala ng obispo ang imahe ng Our Lady of Peñafrancia sa cathedral at iyon ang tanda ng unang pagkakataon na magkasama ang dalawang imahen.

Sinimulan din ang tradisyon na sinusunod pa rin hanggang ngayon kapag panahon ng translacion, ang parehong mga imahe ay inililipat mula sa basilica patungo sa cathedral at nagpatuloy ang debosyon bilang pasasalamat na bumubuo ng mahalagang bahagi ng kasaysayan sa mga gawaing pang relihiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *