Ang Masbate Cathedral ay pormal na kilala bilang Cathedral-Parish of Saint Anthony de Padua, ito ay ang Simbahang Romanong Katoliko na matatagpuan sa kahabaan ng Quezon Street sa Masbate City.

Ang parokyang ito ay itinatag noong 1578 ng mga Misyonerong Espanyol. At noong 1951 naman, ang parokya ay naging bahagi ng bagong itinayong Romanong Katolikong Diyosesis ng Sorsogon.
 
Noong Marso 23, 1968, ang lalawigan ng Masbate ay idineklara bilang isang independiyenteng diyosesis mula sa Sorsogon, at ang Saint Anthony de Padua Parish ay ginawang katedral o Roman Catholic Dioceses ng Masbate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *