
Ang Animasola Island ay isa sa pinakasikat na tourist spot na matatagpuan sa munisapalidad ng San Pascual, Masbate.
Ito ay binubuo ng mga kaakit-akit na sedimentary rock formation na kahawig ng ulo ng isang reptilya. Kung titingnan sa malapitan ay parang ulo ng isang Tyrannosaurus.
Ang isla ay isa sa mga lugar na kasama sa island hopping itinerary ng mga turista sa lalawigan ng Masbate. Ito ay may malinaw at asul na tubig, puti at pinong buhangin sa dalampasigan, kaya lahat ng mga turistang bumibisita dito ay talagang namamangha sa taglay nitong kakaibang ganda.