Ang Mayon Planetarium and Science Park ay kilala rin bilang Virtual Mayon Simulation and Observatory Facility. Ito ay isang planetarium at geology museum na matatagpuan sa Tabaco City, Albay.
Ang pagtatayo ng pasilidad na ito ay pinondohan ng Priority Development Assistance Fund ng Pamahalaang Lungsod ng Tabaco City.
Ito ay may taas na 854 metro o 2,802 talampakan above the sea level. Ang planetarium din ay may kapasidad para magmasid sa malawak na tanawin ng mga kalapit na bayan.
Ang gusaling ito ay isang palapag at may apat na silid kung saan makikita ang isang silid-aklatan, virtual room, mini-museum at isang audiovisual hall.
