Ang Burok Burokan Hidden Spring Resort ay matatagpuan sa Herrera, Ligao City, Albay.
Ang Burok Burokan Hidden Spring Resort ay naging patok na paliguan ng mga taga Ligao City at mga kalapit na bayan. Mapapawi ang init na nararamdaman ng inyong katawan dahil sa taglay nitong malinis, maaliwas at malamig na dumadaloy na tubig.
Sa halagang 50 pesos ay maaari nang makapaligo at may cottages ding pinaparentahan na nagkakahalaga ng 300-500 pesos at may mga pasyalan din na pwede puntahan sa paligid nito.
