Ito ay ipinagdiriwang ng mga mamamayan ng lungsod ng Cabuyao bilang kapistahan ng Batang Hesus o Santo Niño sa Pilipinas tuwing sasapit ang ikatlong Linggo ng Enero.
Nagsisimula sa isang Misa sa Cabuyao Church na sinundan ng isang programa kung saan ang lahat ng Santo Niño ay ipaparada sa kahabaan ng siyudad ng Cabuyao.
Ang selebrasyon at tradisyon ay sinimulan pa noong 1981 ng pamilya Alimagno (noo’y Judge Constancio Sr. at asawang si Mely) bilang pasasalamat nang ang kanilang anak na si Kennedy ay nakaligtas sa isang aksidente noong 1979.
