
Ang Pinamuntugan Island ay isa sa mga natatanging isla at beach destination na matatagpuan sa baybayin ng Cagraray Island, Albay.
Hindi man ito masyadong kilalang-kilala sa mga turista, hindi man gaanong pino ang buhangin sa islang ito, mayroon naman itong natural na tanawin tulad ng stand-alone rock formation ng isla.
Ang berdeng tubig at tagong paraiso ng Pinamuntugan Island sa gitna ng isla kung saan nakatanim ang mga puno ng niyog at isang lawa ay nagiging tirahan ng ibat-ibang isda at masisilayan rin dito ang sikat na “perfect cone” ng bulkan Mayon.