Ito ay itinatag noong 2005 ni Sister Mary Epifania F. Brasil, OP, sa Quezon City na inilipat noong 2009 sa paanan ng Sitio Aguho, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal.

Ang Regina Rosarii Institute for Contemplation in Asia (RICA) ay isang 14-ektaryang santuwaryo para sa Dominican Sisters . Ang lugar na ito ay mainam sa pagmumuni-muni, kung saan maaari kang makipag-usap hindi lamang sa makapangyarihan Diyos sa lahat kundi pati na rin sa kalikasan.

Makikita dito ang tatlong talon, isang sapa at higit sa 10,000 na iba’t ibang mga puno, perpektong lugar para sa panalangin at peregrinasyon.

Ang pangunahing dahilan kung bakit dumadagsa ang mga deboto sa lugar na ito ay upang bisitahin ang 71 talampakang taas na rebulto ng Reyna ng Banal na Rosaryo o Our Lady on Top of the Hill” na nililok ng scuptor na si Jose Barcena, Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *