Ito ay isang conservation area sa Pilipinas na matatagpuan sa southern Sierra Madre range sa Baras, Rizal na may 47 kilometro silangan ng Maynila kung saan nakasentro ito sa mga geolohikal na pormasyon ng Masungi Rock, sa taas na 640 metro.

Noong 1993, ang Masungi Rock at ang paligid nito ay iminungkahi na ideklara bilang isang Strict Nature Reserve at Wildlife Sanctuary ng Department of Environment and Natural Resources. Isa rin sa naging tanyag na destinasyon para sa mga pag-hike at day trip mula sa Maynila mula ng magbukas ito noong 2015 at nagsimulang mag-develop patungo sa status na Geopark.

Ang Masungi Geopark Project ay isa sa pinakamalaking collaborative reforestation efforts sa bansa na naglalayong tumulong sa paglutas ng triple crises ng biodiversity loss, climate change at isang nagbabantang krisis sa tubig sa pamamagitan ng malalakas na kilusang pinamumunuan ng kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *