Ito ay kilala rin bilang Fort Sto. Domingo at Intramuros ng Sta. Rosa. Ito ay isang lumang dalawang palapag na gusali na Spanish barracks sa Sta. Rosa, Laguna at kasalukuyang ginagamit bilang punong-tanggapan ng Philippine National Police Special Action Force na estratehikong matatagpuan sa Barangay Santo Domingo, Santo Rosa, Laguna malapit sa Silang, Cavite.

(Ipinangalan kay Saint Dominic, isang Dominican saint at tagapagtatag ng Dominican order na nagmamay-ari ng mga lupain sa paligid ng Sta Rosa, Biñan at Calamba.) Itinayo ito na may 8.2-ektaryang (20-acre) na kahabaan ng lupa, may dingding na binubuo ng mga adobe na bato samantala ang ilang bahagi ng mga pader sa loob ay bahagi ng mga guho ng lumang kuta at mga tore ng bantay ay kasalukuyang hindi ginagamit dahil ang gusali ay natatakpan ng malalaking puno.

Ang kuta ay itinayo noong 1877 bilang punong-tanggapan ng guwardia civil laban sa mga tulisan at nagsilbing punong-tanggapan ng mga Kastila sa pamumuno ni Heneral Jose Lachambre laban sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo noong 1877. Ito rin ay nagsilbing kanlungan ng mga kababaihan mula sa Cabuyao at Calamba upang protektehan mula sa pang-aabuso ng mga Imperial Japanes Army at binago bilang isang sentro ng komersyo noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.

Ginamit din ito bilang kampo ng Philippine Army mula 1957 hangang 1990 at ginamit ng Philippine National Police noong 1992. Noong Hulyo 21, 2005 sa ilalim ng NHI resolution No. 3 series 2005 ang kuta ay idineklara bilang National Historical Landmark ng National Historical Commission. Sa kasalukuyan, ang kuta ay nagsisilbing punong-tanggapan at training camp ng Special Action Force ng Philippine National Police at bilang detention center para sa maraming big-time political detainees tulad nina dating Pangulong Joseph Estrada, Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari, dating Senator Gregorio Honasan at PDAF scam mastermind Janet Lim-Napoles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *