Ang Magayon Festival ay isa sa taunang selebrasyon at hango sa alamat ng Bulkang Mayon upang parangalan ang kagandahan  ng lalawigan ng Albay. Ang pagdiriwang na ito ay ginaganap sa Lungsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay tuwing buwan ng Mayo.

Ang kamangha-manghang bagay sa pagdiriwang na ito ay ang pinaghalong kultura, relihiyon at pati na rin ang mayamang pamana ng mga lokal sa Albay.

Ang dahilan ng pagdiriwang na ito ay nagmula noong sinaunang panahon pagkatapos ng pagkamatay ng babaeng nabighani sa pag-ibig na si Daragang Magayon.

Ayon sa alamat, ang pagkamatay ng magandang babae ay nagresulta sa paglikha ng Bulkang Mayon. Ang mga lumulutang na ulap, ayon sa mga tagaroon, ay simbolo ng diwa ng kasintahan ni Daragang Magayon.

Hindi kataka-taka na ang pangalan ng pagdiriwang ng Magayon Festival, ay hango talaga sa isang lokal na salita na nangangahulugang ‘maganda’ at nagpapakita ng kanilang tradisyonal na paraan ng kanilang pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *