Ang Bancuro Church Ruins, o kilala ng mga lokal bilang Simbahang Bato (Stone Church), ay isang simbahang Katoliko na matatagpuan sa Barangay Bancuro, Naujan, Oriental Mindoro.

Nakuha nito ang tawag na “isang simbahan sa loob ng isang simbahan” dahil ang isang maliit na kapilya ay kasalukuyang matatagpuan sa loob ng malalaking pader ng mga guho nito.

Ang Simbahang Bato ay itinayo noong 1680s-1690s nang itatag ng mga Augustinian ang kanilang unang paninirahan sa Bancuro, Naujan, Oriental Mindoro.

Ang makapal na dingding nito ay gawa sa mga coraline na bato at pinagsama ng lime mortar. Ang Simbahang Bato ay orihinal na itinayo bilang kumbento at kalaunan ay naging parokya.

Noong 1842, winasak ng “Asultos de Moro”, o ang dakilang pagsalakay sa Isla ng Mindoro, ang unang pamayanan sa Bancuro ng mga mananakop na Moro at dahil dito, ang simbahan ay hindi lamang nagsilbing bahay sambahan kundi bilang isang taguan at kanlungan para sa mga lokal ng mga panahong iyon. Noong 1858, ang kabisera ng Naujan ay inilipat mula Bancuro sa Bulwagan, Naujan at mula nito ay naging pastoral na ng pamayanan ng San Nicolas de Tolentino Parish sa ilalim ng pangangasiwa ng Society of the Divine Word noong 1937.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *