Naging unang local government unit (LGU) sa bansa ang Bayan ng Magsaysay na nakumpleto ang lahat ng 2026 Support to the Barangay Development Program (SBDP) projects nito.

Ayon sa DILG MIMAROPA, kabilang sa mga natapos ang farm-to-market road concreting sa Barangays Sta. Teresa, Poblacion, Caguray at Lourdes, gayundin ang electrification project sa Lourdes.

Isinagawa ang mga proyekto gamit ang P50 milyon na pondo sa ilalim ng Local Government Support Fund-SBDP, na inilaan para sa mga pangangailangan ng limang barangay sa Magsaysay.

Sinabi ni Mayor Cesar Tria na naging susi sa mabilis na implementasyon ang maagap na paggamit ng pondo, pagtupad sa mga kinakailangang requirement, at pakikipag-ugnayan sa DILG. Pinuri naman ng DILG MIMAROPA ang Magsaysay bilang halimbawa ng mahusay, episyente at results-oriented na lokal na pamamahala.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *