Nakinabang ang mga residente ng Laguna sa libreng konsultasyong medikal, gamot at iba pang serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng programang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat” noong Setyembre 14.

Pinangunahan ng PhilHealth at DOH CHD Calabarzon, katuwang ang PSA, DepEd Laguna at pribadong sektor, ang programa na naglalayong mailapit sa mga mamamayan ang serbisyong pangkalusugan at makatulong na mabawasan ang gastusin sa pagpapagamot.

Ayon kay PhilHealth San Pablo City Local Health Insurance Office OIC Grace Ramilo, bahagi ito ng pagpapalakas ng universal healthcare sa pamamagitan ng PhilHealth YAKAP at GAMOT programs.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *