IMUS CITY, CAVITE — Naghatid ng karagdagang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng Habagat at Tropical Depression Maymay sa lungsod ng Imus, Cavite.
Aabot sa 184 Family Food Packs (FFPs) ang ipinamahagi ng DSWD kahapon, Agosto 12, sa mga residente ng Barangay Medicion I-A, Medicion I-B, Medicion I-C, Medicion I-D, Toclong II-B, Bucandala I, Poblacion II-A, at Alapan I-C.

Nauna nang namahagi ang DSWD ng mahigit 1,000 Family Food Packs sa mga pamilyang naapektuhan sa Barangay Pag-Asa I, Pag-Asa II, at Pag-Asa III.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na agad na makarating ang kinakailangang ayuda sa mga pamilyang higit na nangangailangan, lalo na sa panahon ng kalamidad.
Source: PIA CALABARZON