Ang Balacay Point ay matatagpuan sa Barangay Benticayan sa bayan ng Baras, Catanduanes.
Ang Balacay Point ay kilala rin bilang Benticayan point na isa sa mga tourist spot na madalas puntahan ng mga turista at manlalakbay sa lalawigan ng Catanduanes.
Napakagandang tanawin ang masisilayan ng mga turista mula sa mataas na burol, tanaw dito ang napakagandang Balacay Island at Puraran Beach na napapaligiran ng kulay asul na tubig.
Maganda rin ang lugar para sa mga pictorials at masisilayan din dito ang magandang pagsikat at paglubog ng araw.