Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, sa pangunguna ng Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO), katuwang ang DTI Laguna at Laguna Chamber of Commerce and Industry, Inc. (LCCI), ang 2026 Laguna MSME Summit sa Calamba City noong Hulyo 24.

Sa temang “Resiliency, Innovation, and Business Ethics,” pinagsama-sama ng summit ang mga MSMEs, negosyante, ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at iba pang stakeholders upang talakayin ang mga estratehiya sa pagpapaunlad ng negosyo, inobasyon, at pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.

Kasabay nito, pinasinayaan ang Likhang Laguna Convergence for Creative Industry Development, katuwang ang TESDA at DOLE Laguna, na naglalayong palawakin ang oportunidad sa pagsasanay, paglinang ng kasanayan, at kabuhayan para sa mga Lagunense. Pinarangalan din ang mga natatanging MSMEs, entrepreneurs, at lokal na produktong patuloy na nag-aambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *