Nagpahayag ng pasasalamat ang mga opisyal ng barangay sa unang distrito ng Oriental Mindoro sa natanggap na tig-₱100,000 ayuda sa ilalim ng programang “Bawat Barangay Makikinabang” ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF).

Ginamit ng mga benepisyaryong barangay ang pondo sa pagbili ng mga kagamitang naaayon sa kanilang pangangailangan tulad ng solar street lights, generator set, motorsiklo, printer, at laptop upang mapabuti ang paghahatid ng pangunahing serbisyo sa kanilang komunidad.

Ipinakita ang mga natapos na proyekto sa isinagawang rollout ng programa noong Hulyo 15 sa Oriental Mindoro Sports Complex sa Naujan. Pinangunahan ang aktibidad ni Executive Secretary Ralph G. Recto kasama si Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang mga serbisyo sa barangay sa pamamagitan ng direktang suporta ng pamahalaan.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *