PUERTO GALERA, Oriental Mindoro – Isinailalim sa state of calamity ang buong bayan ng Puerto Galera dahil sa lumalalang kakulangan sa suplay ng tubig na dulot ng matagal na tagtuyot at epekto ng El Niño.
Ayon sa lokal na pamahalaan, apektado ng krisis sa tubig ang tinatayang 25,000 residente sa 10 barangay. Bilang tugon, isinasagawa ang reaktibasyon ng apat na malalalim na balon at pagtukoy ng mga bagong mapagkukunan ng tubig upang mapalakas ang suplay sa mga apektadong lugar.
Inaasahang magbibigay-daan ang deklarasyon ng state of calamity sa mabilis na paggamit ng pondo at pagpapatupad ng mga agarang hakbang upang matugunan ang krisis sa tubig sa bayan.
Source: PIA MIMAROPA