CARMONA CITY, Cavite — Pinalalakas ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang internet connectivity sa mga pampublikong paaralan at State Universities and Colleges (SUC) sa Cavite sa pamamagitan ng Free Wi-Fi for All program.

Ayon sa Cavite State University (CvSU), malaking tulong ang libreng internet upang mapalawak ang research, online learning, at community extension programs ng paaralan. Sinabi ni CvSU Silang Campus Administrator Dr. Jonathan Digma na makatutulong ang programa sa pagpapatuloy ng mga ICT-related projects ng unibersidad katuwang ang lokal na pamahalaan.

Binigyang-diin din ni Fifth District Representative Roy Loyola na mahalaga na ngayon ang internet sa pag-aaral at pananaliksik ng mga estudyante.

Saklaw ng Public Internet Access program ang 127 lokasyon kabilang ang mga pampublikong paaralan sa Carmona, Silang, at General Mariano Alvarez upang mapabuti ang access sa online education.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *