CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Pinalalawak ng TESDA MIMAROPA ang libreng skills training at scholarship programs ngayong 2026 upang mas maraming mamamayan sa rehiyon ang magkaroon ng oportunidad sa trabaho at kabuhayan.

Ayon kay TESDA MIMAROPA Assistant Regional Director Atty. Glenn Niño M. Sartillo, mahigit P300 milyong pondo ang inilaan para sa iba’t ibang technical-vocational education and training (TVET) programs, kabilang ang libreng pagsasanay, assessment, allowance, at starter toolkits para sa mga scholars.

Kabilang sa mga prayoridad na kurso ang construction, tourism, agriculture, forestry, at fisheries, na may mataas na pangangailangan sa skilled workers sa rehiyon. Layunin din ng TESDA na mas mapalakas ang workforce competitiveness at employment opportunities ng mga Pilipino sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *