Umabot sa 109 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Romblon District Jail ang nakatanggap ng sahod sa ilalim ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Abril 5.
Kasabay nito, tumanggap din ang mga PDL ng training allowances mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP), kung saan sila ay kasalukuyang sumasailalim sa Masonry NC II training.
Ayon sa pamunuan ng kulungan, layunin ng mga programang ito na palakasin ang rehabilitasyon, kasanayan, at paghahanda ng mga PDL para sa kanilang muling pagbabalik sa komunidad.
Source: PIA MIMAROPA