Pinalalakas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa MIMAROPA ang pagbibigay ng fuel subsidy at iba pang tulong sa mga mangingisda upang maibsan ang epekto ng tumataas na gastusin sa pangingisda.
Ayon kay Regional Director Roberto Abrera, tuloy-tuloy ang distribusyon ng fiberglass na bangka, makina, lambat, at aquaculture inputs sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon. Layunin ng mga programang ito na mapataas ang produksyon, mapanatili ang sapat na suplay ng isda, at matiyak ang napapanatiling pangingisda, lalo na para sa maliliit na mangingisda. Dagdag pa niya, nakalaan din ang P15 milyong tulong sa Palawan upang suportahan ang mga mangingisda, kabilang ang mga seaweed farmer.
Source: PIA MIMAROPA