Sa ilalim ng Lifeline Rate Subsidy Program (LRSP), automatic na ang lifeline subsidy para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na inaasahang aabot sa mahigit 3.09 milyong miyembro.

Ang mga tahanang may konsumo na 0 hanggang 50 kilowatt-hours ay libre na at wala nang kailangang bayaran sa kuryente, kaya mas mababawasan ang gastusin at maaari itong ilaan para sa iba pang pangangailangan ng pamilya.

Pinadali rin ang Net-Metering Program, kung saan maaaring mag-install ng solar panels ang mga tahanan at negosyo at ibenta ang sobrang kuryente sa grid.

Sa mas malinaw na patakaran at mas mabilis na proseso, mas napapadali ang paggamit ng renewable energy at pagpapababa ng gastos sa kuryente.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., layunin ng mga repormang ito na tiyakin ang mas abot-kaya, maaasahan, at sustenableng enerhiya para sa bawat Pilipino.

Source: Presidential Communications Office / https://www.facebook.com/share/p/17qKRpx4e1/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *