Bago pa man maramdaman ang epekto ng Bagyong Mirasol, agad nang tumugon si Laguna Governor Sol Aragones upang masigurong ligtas at handa ang mga mamamayan, lalo na sa Biñan City nito lamang ika-17 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Pinangunahan ni Gov. Sol ang pamamahagi ng relief goods sa mga evacuation center sa Barangay Dela Paz at Barangay Malaban sa tulong ng Akay ni Gob Action Center, mga bokal, at lokal na opisyal.
Ayon sa ilang residente, malaking ginhawa ang tulong lalo na para sa mga matagal nang nananatili sa evacuation center dahil sa patuloy na pagbaha.
Ang maagap na aksyon ay patunay ng tunay na malasakit sa bawat Lagunense sa panahon ng sakuna.
Source: Laguna PIO