Isang payapang paraiso ang matatagpuan sa Barangay Calubcub 2, San Juan, Batangas – ang Samarah’s Farm and Resort.

Ito ay destinasyon kung saan sasalubungin ka ng sariwang hangin, tanawing berde at nakakapanatag na kapaligiran.

Ang Samarah’s Farm and Resort ay may malawak na bukirin, mga pool na pwedeng paglanguyan ng pamilya at barkada, at mga lugar na perpekto para sa mga retreat, reunion, o simpleng bakasyong pampamilya.

Ang naturang lugar ay hindi lamang basta bakasyunan, ito ay isang lugar kung saan muling makakonekta ang tao sa kalikasan, at sa sarili.
Source: Tara na sa Batangas FB Page