Sa ikalawang araw ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) Field Office V – Bicol Region sa Garchitorena, Camarines Sur, malugod na nakatanggap ang 976 na benepisyaryo mula sa anim na barangay (Ason, Bahi, Salvacion, Dangla, Sagrada at Burabod), ng kanilang inaasam na sahod na Php1,660 mula sa 4-Day Cash-for-Work (CFW) Program.
Ang Cash-for-Work (CFW) program ng DSWD ay nagbibigay ng pansamantalang trabaho at tulong pinansyal sa mga indibidwal at pamilyang naapektuhan ng mga sakuna o mga hamon sa ekonomiya.
Tinatayang nasa Php1,620,160 ang kabuuang halagang naipagkaloob ng DSWD Bicol sa mga manggagawang naapektuhan ng super typhoon Pepito, sa naganap na payout sa Bahi Covered Court, nitong Miyerkules, ika-9 ng Hulyo, 2025.

Ang ahensya, sa pamumuno ni Regional Director Norman S. Laurio ay patuloy na nagsisikap na marating kahit ang pinakaliblib at karatig dagat upang ipagpatuloy ang hangarin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na makatulong sa mga bikolanong napinsala ang hanapbuhay dulot ng nagdaang bagyo o kalamidad.
Source: DSWD Field Office V