Ang laing ay isang maanghang na pagkain na gawa sa pinatuyong mga dahon ng taro na ginataan na nagmula sa rehiyon ng Bicol.
Dahil sa masarap nitong lasa at masarap ihain sa hapag kainan, ito ay naging sikat na pagkain mula pa noon.
Ang pagkaing ito ay may iba’t ibang bersyon na biglang naglabasan sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Ang ibang bersyon nito ay dinagdagan na ng iba pang mga sangkap.
Ngunit, ang bersyon ng mga Bikolano ay ang pinaka original at pinakamasarap sa panlasa ng mga Pilipino. Ito ay may tatlong pinaka-importanteng sangkap na hindi binago o pinalitan tulad ng gata, pinatuyong dahon ng taro at siling labuyo.