Ang Kinalas ay isang napakasikat na pagkain sa Rehiyong Bicol. Ito ay isang napakasarap na pansit na may sangkap na karne ng baka o baboy na kinuha mula sa mga bahagi ng mukha, binti, utak. Marami sa mga Bicolano at mga turista ang tumatangkilik nito.

Ito ay isang pagkaing Bicolano na binubuo ng pansit bilang pangunahing sangkap na pinalamutian ng karne mula sa baboy o baka at iba pang bahagi, tulad ng utak ng baka o baboy na dinagdagan pa ng nilagang itlog at iba pang mga sangkap na nagpapasarap dito.

Ang “kinalas” o tinanggal at kinuha mula sa mga buto ng karne ng baka o baboy na sa pangalang ito nagmula ang pagkaing kinalas. Ito ay isang pandiwa na kalas na nangangahulugang “alisin” ang karne mula sa mga buto”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *